ALINDOG NI COLEEN, UGAT NG KASALANAN AT INGGIT!

Ayaw paawat ni Coleen Garcia sa pagpapainit ng pakiramdam ng mga male fans niya, kahit na nga sobrang init pa rin ng panahon nga­yon. At ayaw rin namang matapos ang inggit ng mga female fans niya, dahil sa ipinapakita niyang nakababaliw na katawan.

Body goals pa rin ang tawag sa alindog ni Coleen. Alindog na kinaiinggitan, pero ginagamit na inspirasyon ng karamihan, para maging kasingseksi rin sila ng isa sa mga bida sa serye ng ABS-CBN ang Ikaw Lang Ang Iibigin.
A post shared by Coleen Garcia (@coleengarcia) on

Walang kaabog-abog, bigla ngang nasilip na naman mga netizens ang kahali-halinang kaseksihan ni Coleen, na rumarampa sa malinis na ­dagat ng Balesin.
“Weekend getaway,” lang ang simpleng caption niya sa photo na todo-emote siya, at todo-ganda at seksing larawan niyang `yon.
Kaya naman ang future husband niyang si Billy Crawford, hindi mapakali nung mga oras na ‘yon. Para ngang bigla ay gusto niyang lumipad agad-agad sa Balesin, para makasama ang future wife niya.
Aba, kahit na sinong lalake, kapag ganun ­kaseksing mga photos ang makikita mo sa Instagram account niya, ­gugustuhin mo talagang puntahan agad-agad, at makasama sa napakagandang dagat na `yon.
“So envious right now! But see you soon bwahahahaha love you @coleengarcia,” sey ni Billy.
Siyempre, kanya-kanyang papuri ang mga fans at followers niya. Kanya-kanyang eksena, para mapansin ni Coleen ang mga messages nila.
May iba na nagmamakaawa na mapansin sila ni Coleen. Ang iba ay nagsasabing nagkakasala sila kapag nakikita nila ang alindog ng dalaga, ha!
(Source: abante)

Comments

Popular posts from this blog

Netizens accuses her ex-BF of using girls & bekis to give him cash & gifts